-- Advertisements --
Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) matapos na masawi ang isang kasapi nila sa Balayan, Batangas.
Kasama si Police Staff Sergeant Von Rico Bibaño Macuha sa grupo ng mga kapulisan na nagsagawa ng follow up operations laban a mga robbery suspeks.
Nabaril ang pulis ng suspek na si Carlo Arcilla Sape noong ito ay hinahabol ng mga kapulisan noong Agosto 30.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos na makipagbarilan at natamaan si Macuha.
Sinabi ni PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr na ang kabayanihan ni Macuha ay laging maaalala dahil isinakripisyo nito ang buhay para sa kaligtasan ng publiko.
Tiniyak ng PNP chief sa pamilya ni Macuha na maibibigay ng pamunuan ng PNP ang lahat ng tulong.














