Diniskarel ng Miami Heat ang Orlando Magic gamit ang walang humpay na three point shot para iposte ang 116-113.

Sa init sa opensa ng Heat naitala nito ang franchise-record na 22 na naipasok na 3-pointers para lampasan ang dating record na 21 sa isang game.

Si Duncan Robinson ay nagtapos ng 27 points lahat nagmula sa three point area.

Malaking tulong din ang ginawa nina Goran Dragic na tumipon ng 25 points at nine assists, si Kelly Olynyk ay may 16 na nagpakita ng perfect shooting habang si Jimmy Butler ay nagtapos naman sa 12 points, eight assists at seven rebounds.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng Miami para sa 40-22 record.

Ang Magic naman ay natigil sa 27-35.

Nasayang ang puntos ni Terrence Ross na season-high sa 35 points at walong 3-pointers.

Ang Magic ay nanatili naman sa No. 8 spot na naghahabol sa Eastern Conference playoff race.