-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa danger level ang heat index sa 17 lugar sa bansa ngayong Linggo, Mayo 4.

Ayon sa ulat ng weather bureau noong Sabado ng hapon, ang heat index ay inaasahang papalo mula 42°C hanggang 44°C, na kabilang sa “danger level” kung saan may banta ng heat stroke, lalo na kung magtatagal sa ilalim ng sikat ng araw.

  • Pinakamainit na lugar na may 44°C temperature:

Aparri at Tuguegarao City, Cagayan

  • 43°C temperature:

NAIA (Pasay), Bacnotan (La Union), Iba (Zambales), Subic (Olongapo), Camiling at Luisita (Tarlac), Tanauan (Batangas)

  • 42°C temperature:

Quezon City, Laoag, Batac, Dagupan, Tayabas at Alabat (Quezon)

Payo ng state weather bureau umiwas sa matagal na exposure sa araw, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng preskong damit upang maiwasan ang heat-related illnesses gaya ng heat exhaustion at heat stroke.