-- Advertisements --

Maaari nang makaalis papuntang abroad ang mga healthcare professionals na kompleto na ang mga papeles nitong Agosto 31.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na makaalis ng bansa ang mga medical professionals kasunod ng pansamantalang travel ban na ipinatupad.

Kaugnay nitoy inihayag ni Sec. Roque na sa hanay pa lamang ng mga nurses ay posibleng nasa 1,500 na ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa iba’t-ibang mga bansa.

Una rito, ilang mga apela na ang ipinarating nang mga grupo ng medical workers kay Pangulong Duterte na alisin na ang temporary ban.

Ang desisyon ni Pangulong Duterte ay batay na rin sa una ng board resolution ng Philippine Overseas Employment Administration(POEA) na isinumite sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) para mapayagan na rin sanang maka-abroad ang mga health workers na kompleto na ang kanilang dokumento hindi lang noong Marso 8 kundi hanggang Agosto 31 na.