-- Advertisements --
Suspendido ng hanggang 25 laro si Atlanta Hawks forward John Collins.
Ito ay dahil sa paglabag sa anti-drug policy ng NBA.
Ayon sa NBA, nagpositibo kasi sa Growth Hormone Releasing Peptide-2 (GHRP-2) si Collins.
Agad namang humingi ng paumanhin si Collins sa kaniyang mga kasamahan sa koponan at sa fans ng Hawks.
Ito na ang pangatlong season ng 22-anyos na manlalaro.
May average points ito ng 14.6, rebounds na 8.4 percent sa bawat laro.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay sinuspendi rin si Phoenix Suns center Deandre Ayton ng 25 laro dahil sa pagpositibo nito sa diuretic.