Nets Lakers James Harden
-- Advertisements --

Bumida na naman si James Harden gamit ang triple-double performance na 38 points, 13 assists and 11 rebounds upang pigilan ng Brooklyn Nets ang Minnesota Timberwolves, 112-107.

Ito na ang ika-12th triple-double performance ni Harden sa loob lamang ng 32 games.

James Harden Brooklyn Nets

Habang nagbalik na rin si Kyrie Irving matapos mawala ng tatlong games kung saan agad na nagpakawala ng 27 points para iposte ang 32-15 record.

Liban nito natipon din ng Nets ang ika-18 panalo sa loob ng 21 games kahit wala pa rin si Kevin Durant bunsod ng left hamstring.

Ang bago nilang miyembro na si LaMarcus Aldridge ay hindi muna sumipot dahil kinailangan munang magpakondisyon.

-- Advertisement --

Samantala sa kampo ng Timberwolves nanguna naman si Karl-Anthony Towns na nagtapos sa 31 points at 12 rebounds.

Sa ngayon nangungulelat pa rin ang Wolves sa 11-36 record.