-- Advertisements --

Iginiit ni Senadora Imee Marcos na tila marami sa mga flood control ng Unified Project Management Office (UPMO) ay ghost projects, ginagatasan, at palakasan ang umiiral para makakuha ng milyun-milyong proyekto. 

Inihayag ito ng senadora kay bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon. 

Ibunyag ni Marcos na halos P1 trilyon na ang nagastos sa mga foreign-assisted flood control project sa nakalipas na 10 taon, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na resulta.

Binira ng senadora ang ahensya dahil sa kakulangan ng malinaw at maayos na listahan ng mga proyekto, lalo na sa mga pangunahing ilog at baybayin na matagal nang binubuhusan ng pondo.

Dagdag ni Marcos, tila lumobo sa 2025 General Appropriations Act (GAA) ang foreign-assisted projects sa P16 bilyon mula sa dating P9 bilyon. 

Matagal na rin daw hinihingi ng mambabatas ang ang kumpletong accomplishment report ng ahensya ngunit hindi pa rin ito kumpletong naibigay. 

Kwinestyon din ng senadora ang bisa ng mga flood control projects sa kabila ng laki ng pondo.

Sa kabila aniya ng bilyong ginastos tila bakit daw bahang-baha pa rin ang Metro Manila. 

Bilang tugon, naglatag si Marcos ng solusyon upang matigil ang pagsasayang ng pondo. Kabilang dito ang:

  • Malinaw na abiso sa LGU bago ipatupad ang proyekto.
  • Konsultasyon sa mga lokal na opisyal.
  • Masinsinang koordinasyon upang matiyak na hindi mauuwi sa ghost projects ang pondo ng bayan.