-- Advertisements --

NAGA CITY – Kumpiskado ang tinatayang P38,760 na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isnagawang magkahiwalay na buy bust operation sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Bojilador Espina, 34-anyos, residente ng Nañawa Compound, Barangay Ayuti, Lucban sa nasabing probinsya, Analyn Francisco Potestad, 41-anyos, at Realyn Ramos Francisco, 26, parehas na residente ng Purok 7, Sta Theresa, Brgy Dalahican, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu mula kina Potestad at Francisco ang isang pulis na nagpanggap bilang posuer buyer.

Nakumpiska rin ng mga otoridad sa mga ito ang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaniniwalaang shabu at 500 peso bill na ginamit bilang buybust money.

Pinaniniwalaang may bigat na isang gramo ang nasabing iligal na droga at may street value na P20,000.

Samantala, naaresto naman si Espina matapos na silbihan ito ng mandamiento de aresto ng mga otoridad sa Lucban Quezon.

Nakumpiska naman ng mga otoridad sa suspek ang isang plastic ng candy na may laman na pitong small heat sealed transparent plastic sachets ng pinaniniwalaang shabu gayundin ang mga drug paraphernalia.

May bigat itong 0.9 grams at tinatayang may street value na P18,360.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng mga otoridad ang mga nasabing suspek habang hinahanda naman ang mga kaso na isasampa sa mga ito.