Muli na namang nakasabat ang Bureau of Customs (BoC) ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P15.7 million sa Bocaue, Bulacan.
Ang naturang mga smuggled at fake cigarettes ay nasabat ng Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (ESS-QRT).
Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni BoC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero at mga miyembro ng ESS-QRT at Bocaue PNP ay nagsagawa ang mga otoridad ng inspeksiyon sa naturang bodega noong August 25, 2020.
Nadiskubre na naturang inspection ang 246 master cases ng suspected smuggled at counterfeit cigarettes na may estimated value na P15.7 million.
Kabilang sa mga narekober na sigarilyo ang Marlboro, Astro, D&B, Two Moon at Union cigarettes.
Patuloy naman ang isinasagawa ng BoC na investigation at inventory sa mga sigarilyo.
Nangako naman ang Bureau na paiigtingin pa ang kanilang bagbabantay sa mga borders para maprotektahan ang publiko laban sa mg fake at smuggled goods.