-- Advertisements --

Humigit-kumulang P100 billion umano ang insertions sa 2025 General Appropriations Act nitong 2025.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na karamihan ng senador sa 19th Congress ay naglagay ng mga insertions batay sa kaniyang pagsusuri.

Ayon kay Lacson, marami sa mga individual insertions na ito ay naka-for later release, na naging dahilan ng kaniyang pagkabigla sa kabuuang halaga.

Ibinahagi niya na hindi pa niya nakita ang ganitong kalaking total dati, at ikinumpara ang sitwasyon sa panahon bago ideklara na unconstitutional ang PDAF kung saan mga daan-daan milyong piso lamang ang karaniwang naisasama.

Giit ni Lacson, malaki ang pagbabago at dapat pagtuunan ng pansin ang transparency sa paglalagay ng mga item sa budget.

Nanawagan siya ng masusing pagsusuri at pagpapaliwanag mula sa mga nagpasok ng pondo upang matiyak na hindi ito magagamit na pabor sa iilan.

Patuloy na binabantayan ng Senado ang usapin habang lumalabas ang mga detalye ng 2025 GAA.