-- Advertisements --

booster5

Umaabot sa 591 medical frontliners na nakabase sa Camp Crame ang nabigyan na ng booster shot kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito’y sa pagsisimula ng PNP (Philippine National Police) sa kanilang vaccine booster rollout kahapon, November 22.


Sa nasabing bilang, 178 rito ay mga Police Commissioned Officer (PCO), 309 ang Police Non-Commissioned Officer (PNCO), 99 Non Uniformed Personnel (NUP) at limang sibilyan.

Ang PNP Health Service ay mayroong 1,392 fully vaccinated personnel na nasa A1 category, pero 1,242 lamang dito ang nag-signify para makatanggap ng booster shot.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support for COVID-19 Task Force Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, itutuloy ngayong araw, November 23, ang pagbibigay ng Pfizer vaccine booster shot sa kanilang mga medical at healthcare workers.

Ito’y para makompleto ang 666 doses na ibinigay na alokasyon ng Department of Health (DOH) sa PNP.

Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Vera Cruz sa DOH na nabigyan ng alokasyon ang kanilang mga medical frontliner para sa kanilang booster shot.

Ayon sa heneral, malaking bagay para sa kanilang medical workers ang mabigyan ng booster shot dahil paghahanda na rin ito sakaling magkaroon muli ng pagtaas ng COVID cases lalo’t nagsimula nang magbukas ang ekonomiya at nalalapit na ang holiday season.

“Yes Anne. We are very thankful that our medical frontliners were given the initial allocation of 666 doses of Pfizer vaccines for their booster shot. Kahit na pababa na ang mga new and active cases namin sa PNP, napakalaking bagay na mabigyan ng booster shots ang aming mga medical frontliners bilang paghahanda in case magkaroon na naman tayo ng surge in our Covid19 cases with the opening of the economy and the upcoming Christmas season,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Hinahanda na rin ng PNP ang pag-request ng dagdag na booster allocation sa DOH.

“We are now consolidating the vaccine booster preferences of our medical frontliners who will not be accommodated in the initial allocation for the preparation of corresponding request to DOH,” dagdag pa ni Vera Cruz.

booster4

Samantala, ayon naman kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, bukod sa kanilang medical frontliner, susunod na bibigyan ng booster shot ay ang nasa 171 members ng PNP Medical Reserved Force na nagsisilbi sa mga police related quarantine facilities.

Sa kabilang dako, siniguro naman ng PNP Health Service na nakahanda sila magbigay suporta at tulong sa nalalapit na 3-day National Vaccination Program ng gobyerno na magsisimula sa November 29 hanggang December 1,2021.

Ayon kay PNP Health Service Director BGen. CG Cirujales, mayruong kabuuang 5,530 medical reserved force nationwide ang Health Service kung saan 331 dito ay mga trained vaccinator na maaring i-tap ng DOH para sa tatlong araw na vaccination drive ng pamahalaan.