James Jimenez Comelec Spokesperson
Commission on Elections Spokesman James Jimenez | Photo © Bombo Jerald Ulep

Pinawi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez ang pangamba ng karamihan na maaapektuhan ang halalan dahil sa mga pumalyang secured digital (SD) cards na may hawak sa record ng mga balota.

Sa isinagawang press conference ngayong gabi lamang, sinabi ni Jimenez na napalitan na ang halos 500 na SD cards ngayong araw at ito ay gumagana na.

Pati ang mga markers na nagkaroon ng kaunting problema ay na-replace na rin umano at inaasahang matatapos ito mamayang gabi.

Kahapon sinabi ni Jimenez na inihahanda na nila ang kanilang back up SD cards para sa agarang replacement ng mga matutukoy na depektibong cards.

https://www.facebook.com/bomboradyophilippines/videos/470925310315796/

Nabatid ng poll body na nasa 473 SD cards ang nag-malfunction mula sa 43,000 cards na kanilang ipinwesto kasunod ng final testing and sealing nitong Biyernes.

“We received reports of up to 473 cards corrupted. This is out of the 43,000 SD cards that are in play right now,” ayon sa Comelec spokesperson.

Sa kabila nito sinabi ni Jimenez na hindi rin basta-basta maglalabas ng bagong SD cards ang Comelec hangga’t hindi dumadaan sa pagsusuri ang mga mauulat na nagka-aberya.

“This is actually the purpose of FTS – to see problems that may come up. It’s good that we are seeing this matter now.”

Sa ngayon ay all set na raw ang Comelec sa isasagawang halalan bukas.