Kasabay ng pagdating ng 49 na bangkay ng mga overses Filipino workers (OFWs) ngayong araw, humingi naman ng paumanhin si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello sa pamilya ng mga namatayan.
Ayon kay Bello masyado raw naantala ang pagdating ng mga bangkay dahil sa lockdown at mahirap na proseso sa ibang bansa para makuha ang mga bangkay.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Bello sa pamilya ng mga namatay na OFWs na karamihan ay namatay sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang unang batch ng bangkay ng mga Pinoy ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Philippine Airlines (PAL) cargo plane pasado alas-10:00 kanina.
Mula sa 49 na mga OFWs, 17 dito ang galing sa Riyadh at 32 naman ang mula sa Damman.
Ang mga susunod na batch ay asahang dadating naman sa mga susunod na araw.
Nasa 274 ang mga Pinoy na namatay sa Saudi Arabia na kailangang ibalik dito sa bansa.