-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na fit for human consumption ang nakatakdang ibenta na P20 rice ng administrasyon sa publiko sa darating na Martes, matapos ang magiging eleksyon ngayong taon.

Paliwanag ni Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, ang mga bigas na ibinebenta sa ilalim ng naturang programa ay pawang mga mula sa aging stock ng buffer stock ng National Food Authority (NFA).

Aniya, mayroon nang existing na proyekto na siya lamang mas pababain ang presyo at gagawing P20/kilo na kapareho pa rin ng kalidad ng bigas nito.

Pagtitiyak ni Guevarra, ang mga bigas ay dumadaan sa mabusising quality control at sinisiguro na hindi naman magbebenta ang kanilang ahensya ng mga biga na hindi naman mapapakinabangan ng publiko.

Kasunod nito ay tiniyak rin ni Guevarra na hindi ibebenta ng kanilang departamento ang mga bigas lalo na kung makita mismo nilang may mga depektibo ang mga ito.

Samantala, binigyang diin rin ng opisyal na kahit sila mismo ay kumakain ng naturang bigas na siyang binibili pa ng NFA mula sa mga lokal na magsasaka sa mga sakahan sa bansa.

Aniya, kung patuloy na lalaitin ng ilan ang kalidad ng naturang bigas ay parang nilait na rin umano ng mga ito ang mga ginagawang trabaho ng mga lokal na magsasaka para lamang makapagproduce ng mga bigas na ibebenta sa publiko.

Kaugnay nito ay mismong si Guevarra na ang nagbgay ng diin na ang mga naturang bigas ay gawang lokal at nagiginga ging lamang ito dahil ito ay mula sa buffer stock ng NFA na hindi nagamit bilang mga paunang tulong sa mga apektado ng mga matitinding krisis at kalamidad ay ito ay agad na dinidispose at ibinebenta para sa kapakinabangan ng publiko.

Samantala, nauna na dito ay inilunsad na ang programa sa Cebu at pansamantala ring itinigil muna ang bentahan bunsod pa rin ng election ban habang inirong naman ang pagbebenta ng P20 rice sa NCR pagkatapos ng eleksyon.