-- Advertisements --

Nasa 48 AFP personnel na ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo.

Nadagdagan ito ng apat batay sa kanilang huling ulat nitong May 20, 2020.

Pero ayon kay Arevalo, sa bilang na 48 na nagpositibo sa COVID -19, nasa 35 rito ay gumaling sa sakit at ngayon ay nakabalik na sa kanilang mga trabaho.

Siyam naman sa mga nagpositibo ay naka-recover na rin pero hinihintay pa ang mga final clearances para makumpirmang sila ay COVID free na.

Apat naman sa mga AFP personnel ang nanatiling positibo sa virus at ngayon ay patuloy na ginagamot sa mga ospital ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa ngayon patuloy na naka-deploy ang mga sundalo sa mga quarantine control points at quarantine facilities para mapigilan pa rin ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.