-- Advertisements --
Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga sundalo na maging tapat sa konstitusyon.
Isinagawa ng pangulo ang pahayag sa harap ng mga bagong promoted na military officers na ginanap sa Malacañang.
Dagdag pa ng Pangulo na sa sinumpaan ng mga sundalo ay para magkaroon ng tiwala sa bansa at sa mga mamamayan na tiyakin na ligtas ang pamumuhay at may dignidad.
Giit nito na dapat ay tumalima ang mga sundalo kung ano ang nakasaad sa batas ng may integridad at ipagtanggol ang demokrasya.
		
			
        















