Kasalukuyan nang nakadeploy ang medical team ng Department of Health (DOH) sa Bogo City at kalapit na mga bayan upang magbigay ng agarang tulong medikal matapos ang tumamang magnitude 6.7 na lindol sa Bogo City, Cebu.
Ayon sa DOH, agad na nagsagawa ng rapid assessment ang kanilang mga tauhan sa lugar.
Nakapagsumite na ng ulat ng kaligtasan ang mga doktor, nurse, at staff ng DOH Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) at DOH Cebu South Medical Center (CSMC).
Kasabay nito, nag-ulat na rin ng kanilang sitwasyon ang mga DOH Centers for Health Development (CHDs) sa Central at Eastern Visayas.
Mahigpit na rin ang kanilang koordinasyon kasama ang Office of Civil Defense (OCD) sa rehiyon para sa mabilis na pagtugon.
Nagpaalala ang DOH sa mga apektadong residente na sumunod sa lahat ng anunsyo at tagubilin ng kanilang lokal na pamahalaan, at maging handa sa posibleng mga aftershock.