Ire-recall na for active duty ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 380 medical reservists para tumulong sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.
Ipinag-utos kasi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na i-recall to active duty ang kanilang mga medical reservists kung hindi pa nagseserbisyo ang mga ito.
Sa oras na matukoy na aniya ang mga pwedeng maging active sa serbisyo ay kaagad nila itong irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para maaprubahan.
Maliban sa mga military medical reservist ay mayroon ding 5,368 AFP enlisted personnel na nasa medical training para tumulong sa pagkontrol ng deadly virus.
Dagdag pa ni Lorenzana, pagbubutihin umano ng defense department ang mga AFP medical facilities para gawing reserve hospital kapag napuno na ang mga ospital sa labas ng mga kampo.
Sinabi naman ng bagong AFP chief of staff, buong gobyerno na ang gumagawa ng mga hakbang para labanan ang pandemic.