-- Advertisements --

Umakyat pa ang bilang ng mga nasawi sa Afghanistan matapos tumama ang malakas na lindol.

Umaabot na sa 1,000 katao ang namatay habang nasa 1,500 ang napaulat na nasugatan.

Inaasahang tataas pa ang naitalang death toll habang nagpapatuloy ang rescue operation sa mga remote areas.

Pinakamatinding tinamaan ng 5.9 magnitude na lindol ang nasa 44km (27 miles) mula sa south-eastern city of Khost kung saan maraming mga mamamayan doon ang dumaranas ng humanitarian disaster na lumala pa matapos mapunta sa kontrol ng Taliban ang gobyerno ng Afghanistan noong Agosto.

Ayon kay government spokesman Bilal Karimi, mayroon ding mga tao ang na-trap at maraming mga kabahayan ang nasira.

-- Advertisement --

Nagpapatuloy ang mga rescue teams sa paghahanap sa mga biktima na nabaon sa lupa.

Ito na ang itinuturing na deadliest earthquake na tumama sa Afghanistan sa loob ng dalawang dekada.