-- Advertisements --

Nasa 2,642 katao o katumbas ng 566 pamilya mula sa 18 barangays sa Regions 11 at 12 ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha at kasalukuyang nanunuluyan sa 10 evacuation centers.

Nakapagtala naman ang NDRRMC ng tatlong kumpirmadong patay kabilang ang isang taong gulang na bata, dalawa sugatan at isang missing.

Nasa P7.93 million halaga na inisyal na pinsala ang naitala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa sektor ng agrikultura bunsod ng pananalasa ng bagyong Dante sa Region 11 at Region 12 sa Mindanao.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Agriculture kung saan 442 na mga magsasaka ang ang apektado at nasa kabuuang 349 ektarya ng agricultural land ang lubog sa tubig-baha.

Apat na probinsiya at isang siyudad sa Region 8 at Caraga ang suspindo ang trabaho at pasok.

Nasa 10 road sections at tatlong tulay sa Region 7, 11 at 12 ang hindi passable.

Wala namang suplay ng koryente sa tatlong siyudad at munisipalidad sa region sa region 8 at Caraga.

Nasa 1,189 passengers,113 rolling cargoes, at pitong barko ang stranded sa region 5 and 8.

Apat na kabahayan ang nasira kung saan dalawa dito ang totally damaged habang dalawa ang partially damaged.

Dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Dante, nananatiling naka alerto ang NDRRMC at mga local government units.