Nasa 25,902 pulis ang na promote sa susunod na ranggo na bahagi ng 2nd Level Uniformed Personnel Regular promotion at 4th Quarter Police Lieutenant Colonel (PLTCOL) Continuous Promotion Program ng PNP.
Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos kasama ang PNP Command Group na sina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, Deputy Chief for Administration (TDCA) at Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, Deputy Chief for Operations (TDCO) ang pagpapanumpa sa tungkulin kahapon ng 150 bagong-promote na opisyal sa National Headquarters na sinabayan ng oath-taking ceremonies sa mga Police Regional Offices (PRO) at National Support Units (NSU).
Ang mga na-promote sa second level ay binubuo ng: 688 Police Major; 971 na Police Captain; 89 na Police Lieutenant; 1,211 Police Executive Master Sergeants (PEMS); 2,656 Police Chief Master Sergeants (PCMS); 3,340 Police Senior Master Sergeants (PSMS); 4,007 Police Master Sergeants (PMSg); 6,704 Police Staff Sergeants (PSSg); at 6,152 Police Corporal (PCpl).
Habang 84 ang na-promote sa ranggong PLTCOL sa 4th QUARTER continuous LTCOL. promotion.
Binati ni PGen. Carlos ang mga opisyal sa kanilang promosyon at sinabing sana ay magsilbing inspirasyon ito sa kanila para patuloy na paghusayan ang kanilang trabaho.