CEBU – Nasa 1,825 na ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa Central Visayas simula nang umarangkada ang vaccination program sa Rehiyon 7 noong Marso 24.
Kabilang sa naturukan ng bakuna ang mga bry. health workers sa lungsod ng Cebu, empleyado ng City Health Department, mga medical frontliners mula sa pampubliko at pribadong hospital.
Pinalawig naman ang pagturok ng COVID-19 vaccine para sa mga healthcare workers hanggang sa Marso 31 kung saan layun nitong ma-proteksiyunan ang mga indibidwal na nasa frontline services ng mga pasyente na infected ng coronavirus.
Samantala, umabot sa 195 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas kung saan nasa 64 new cases mula sa lungsod ng Cebu. Nasa 5,864 ang active cases sa rehiyon at nasa 49,120 ang total cummulative cases, 41,480 ang mga naka-recover at 1,776 ang namatay.