Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na inilagay sa signal number 1 dahil sa bagyong Wilma.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na napanatili ng Wilma ang lakas nito habang ito patungo sa timog bahagi ng bansa.
Nakita ang sentro ng bagyo sa may 480 kilometers ng silangan bahagi ng Catarmas, Northern Samar.
May taglay ito ng lakas na hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Ang mga lugar na nasa signal number 1 ay kinabibilangan ng Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer sa Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte; Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Tabuelan, Tuburan, Sogod, Catmon, Asturias, Carmen, Danao City, Balamban, Compostela, Liloan, Consolacion, Cebu City, Mandaue City, Cordova, Lapu-Lapu City, Toledo City, Pinamungahan, San Fernando, City of Naga, Minglanilla, City of Talisay, Aloguinsan, City of Carcar, Sibonga, Barili sa Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands; Bohol; Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava sa Negros Occidental; Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands; Dinagat Islands; Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen sa Surigao del Sur; Kitcharao, Jabonga, Santiago, Tubay, City of Cabadbaran sa Agusan del Norte.
Inaasahan na magla-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas o Dinagat Islands sa gabi ng Biyernes, Disyembre 5 o Sabado ng umaga, Disyembre 6.
Sa araw naman ng Linggo o Lunes ng umaga ay iikot ang bagyo sa Sulu Sea at dadaan sa northern Palawan.
















