-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Tinupok ng apoy ang nasa halos 20 bahay nang sumiklab ang malaking sunog sa Accreation area ng Barangay Macabalan ng Cagayan de Oro City nitong hapon lamang.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Fire Senior Insp Willie Tan ng Bureau of Fire Protection na unang nagsimula ang apoy sa likod na bahagi ng bahay ng pamilya ni Gng Virginia Dalondona at mabilis na gumapang sa mga kapitbahay dahilan ng malaking sunog.

Sinabi ni Tan na bagamat wala namang naiulat na mga residente na missing o kaya’y sugatan sa kasagsagan ng pangyayari.

Patuloy na isinagawa pa ang malalimang imbestigasyon upang tukuyin ang dahilan ng sunog na nagtala ng inisyal na structural damage na nasa P2.4 milyon.

Kung maalala,ito na ang pangalawang sunog na naitala nitong linggo kung saan unang naabo ang ancestral house ng pamilya Paderanga na nagtala rin ng halos P3-M ng lungsod noong nakaraang gabi.

-- Advertisement --