-- Advertisements --

Ibinalita ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) na nasa 16,682 overseas Filipino workers (OFWs) na ang napapauwi ng gobyerno simula noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring spokesman ng IATF, 13,213 dito ay mga seafarers habang 3,469 naman ay land-based.

Inihayag ni Sec. Nograles na patuloy ang pagpapauwi ng mga apektadong OFWs basta kailangan nilang sumailalim sa mandatory 14-day facility-based quarantine pagdating sa bansa.

“At this point we believe it is only appropriate to give credit where credit is due. The DFA has facilitated the repatriation of 16,682 OFWs, of whom 13,213 are seafarers and 3,469 are land-based. Sa DFA, na walang-tigil na tumutulong sa ating mga kababayan sa ibayong-dagat, maraming salamat po,” ani Sec. Nograles.