Kinumpirma ni Baguio City police chief Col. Allen Rae Co na 92 police trainees sa lungsod ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.
Pinadala umano ang mga ito sa Baguio para sumailalim sa on-the-job training (OJT) sa loob ng anum na buwan.
Ayon sa chief of police ng Baguio, nakatakda na raw grumaduate ang mga ito kahapon ngunit dahil naka-duty umano sila sa mga lockdown areas ay hindi malayong doon nila nakuha ang sakit.
Isinailalim naman sa quarantine ang nasa 200 trainees matapos mabatid na nagkaroon sila ng close contacts sa mga COVID-19 positive.
“Ito pong mga trainees na ito ay kasama natin simula pa mismo noong nagsimula ang pandemya. Nakuha po nila ito sa pagdu-duty nila sa paligid ng mga lockdown affected areas at dahil na rin sa dami nila ay hindi maiwasan siguro na medyo nagkaka-banggaan sila,” pahayag ni Co.