Iniulat ng NTF Against COVID-19 na halos makamit na ng Pilipinas ang target goal nito na 100 million doses na vaccine supply ng bansa, matapos mai-deliver noong linggo ang nasa three million Sinovac vaccine.
Ayon kay NTF at vaccine czar Sec Carlito Galvez kulang na lamang ng 2.5 million para makumpleto na ang 100 million doses na siyang target.
Sinabi ni Galvez na nasa 97,678, 340 million doses ng COVID-19 ang kabuuang bakuna na dumating sa bansa at mayroon pang inaasahan na darating na mga bakuna sa susunod na linggo.
Nagpasalamat naman si Galvez sa Chinese government sa donasyong one million doses ng Sinovac dahil ang dalawang milyon dito ay procured o binili ng pamahalaan.
Sinabi naman ni Chinese Ambassadora Huang Xilian ang kanilang donasyon na bakuna ay makakatulong sa Pilipinas na makarekober sa COVID-19 pandemic.
Ang mga nasabing bakuna ay ipapaamahagi sa mga key cities sa bansa at dagdag ito sa stockpile para sa third dose vaccination sa mga healthcare workers, senior citizens at adults with comorbidities.
Sinabi naman ni Galvez na sa kabuuang mahigit 97 million doses ng vaccine na natanggap ng bansa higit 60.7 million doses ang procured o binili ng gobyerno, 24.3 million doses ay donasyon mula sa Covax facility ng WHO, habang 7.9 million binili ng local government units, at sa private sector ay 4.6 million doses na ang donasyon mula sa bilateral partners.
Sa mga bakuna na dumating sa bansa ang Sinovac ang may pinakamarami na nasa 25,614,366 na ang naturukan ng second dose.