vaccine
-- Advertisements --

Natanggap na ng bansa ang mahigit pang 976,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Pasado alas-9:00 nitong gabi ng Huwebes ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong pinagsakyan ng bakuna.

Sinalubong ito ng ilang opisyal ng Department of Health at ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Galvez na karamihan sa nasabing mga bakuna ay ilalaan sa pagpapabakuna sa mga menor de edad mula 12-17 na pormal ng magsisimula sa Nobyembre 3.

Mayroong inilaan ang gobyerno ng 162 vaccination sites, hospitals at non-hospital based.

-- Advertisement --