costume halloween
Baguio City Costume Parade (photo courtesy Ms. Lorie Narag of UB)
-- Advertisements --
VERGEIRE FEB10

Muling pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang publiko na puwedeng magsagawa ng Halloween at Christmas parties pero ito ay para lamang sa loob ng pamilya.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinapayagan naman ang pagsasagawa ng parties pero ito ay sa pamamagitan ng “bubble” ng kanilang pamilya.

Kailangan din umanong sundin pa rin ang safety protocols at iwasan ang tinatawag na 3Cs (closed, crowded, close contact).

Paalala pa ni Vergeire na ngayon ay mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gatherings na posibleng maging super spreader sa pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag ni Vergeire, kapag mayroon daw sintomas ng COVID-19 ay huwag nang piliting dumalo sa mga party.

-- Advertisement --

Kasabay nito, pinaalalahanan na rin ng DoH ang mga pulitikong tatakbo sa 2022 elections na mahigpit na ipatupad ang safety protocols sa kanilang campaign events.

“Paalala naman po sa ating local governments, alam naman po natin at naiintindihan natin na nagkakampanya na tayo. Sana tayo na po ang magkaroon ng responsibilidad na magkaroon ng ganitong safety protocols during our campaign period,” ani Vergeire.