Aabot sa P1 million ang halaga na magagastos para sa pagkumpuni ng nasirang parte ng barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resoruces (BFAR) matapos bombahan ng water cannon ng barko ng China Coast Guard (CCG) malapit sa Sandy Cay sa West Philippine Sea.
Nauna ng iniulat ng BFAR na napinsala ang port bow at smokestack ng BRP Datu Sanday matapos gitgitan at bombahan ng water cannon ng barko ng China habang nagsasagawa ng routine maritime research sa lugar.
Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, nayupi ang unahang bahagi ng barko kayat kailangan itong kumpunihin at maaaring umabot aniya sa libu-libo hanggang milyon ang magagastos para kumpunihin ang barko.
Bagamat napinsala ang barko, wala naman aniyang nasugatang personnel sa insidente at nakumpleto ang kanilang research mission.
Nakatakda namang lipulin ang lahat ng resulta na kanilang nakalap na samples saka maglalabas ng komprehensibong resulta.
Samantala, sa kabila ng patuloy na agresyon ng China, ipagpapatuloy pa rin aniya ang gobyerno ng Pilipinas ang Kadiwa ng bagong Bayanihang Mangingisda program para matulungan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.