-- Advertisements --

Papatawan na ng mabigat na parus ang mga sangkot sa pagha-hack ng sistema ng bangko at skimming ng credit cards at payment cards.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11449 na pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasaad na isa nang heinous crime ang paggamit ng access devices para makapandaya at dapat nang mapatawan ng pinakamataas na parusa.

Nakasaad sa Section 10 ng batas na life imprisonment at multang maaaring aabot sa P5 million ang ipapataw sa mga sangkot sa pagha-hack ng banking system.

Batay rin sa batas, ito rin ang parusa sa mga gumawa ng skimming o pagkopya ng bank details at pagnakaw ng laman ng hindi bababa sa 50 payment cards, credit cards, debit cards at online banking accounts.

Maituturing ng economic sabotage ang mga ganitong uri ng krimen, alinsunod sa bagong batas.

Pagkukulong ding hindi bababa sa anim na taon hanggang 20 taon ang kakaharapin naman ng mga nagdaraya ng credit cards at iba pang access devices depende sa dami ng nabuksan at nagamit.

Sisingilin rin sila penalty na doble ng halagang nanakaw mula sa access devices.

Nitong Agosto 28 pinirmahan ni Pangulong Duterte ito at nakatakdang maging epektibo 15 araw matapos ang official publication sa pahayagang may national circulation.