CAGAYAN DE ORO CITY – Nanggagalaiti sa galit ang pamilya ng 23 anyos na ginang matapos gahasain ng dalawang lalaki sa bayan ng Rebe Lala, Lanao del Norte.

Kinilala ni Police Major Jonan Banas ang mga suspek na sina Regeno Repompo, 36 anyos, may-asawaw, isang habal-habal driver at at ang kaibigan nitong si Ricardo LLena, 38 anyos, binata, isang magsasaka at kapwa residente ng Phase-6 ng nasabing barangay.

Inamin naman ng habal-habal driver na napag tripan nila ang kanyang kostumer at puwersang nilasing sa mismong bahay ng kanyang kaibigan.

Matapos malawan ng malay ang biktima ay saka nila gihasa at iniwan sa nasabing bahay.

Kasong rape with abduction ang isinampa laban sa mga suspek.