Reading Time: 1 minute
manny pinol 3
DA Secretary Manny Piñol

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang militar uli ang napipisil nitong italaga sa Department of Agriculture (DA) na kapalit ni Secretary Manny Piñol.

Sinabi ni Pangulong Duterte, naghahanap na siya ng magiging bagong kalihim para sa DA at ang target niyang ilagay dito ay isa ring galing militar.

Ayon kay Pangulong Duterte, madaling utusan at mabilis umano ang aksyon ng militar gaya na lamang ng iba pang miyembro ng gabineteng pawang mga retiradong heneral.

Samantala, kinilala naman ni Pangulong Duterte ang kakayahan ni Piñol na umano’y kailangan niya sa Mindanao at gagamitin niyang timon at tumulong sa pagbangon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“I’m scouting around. I feel maybe again a military man. Kasi madali mag-utos, magtrabaho. Piñol is a very good cabinet member. And problema, wala akong tao, there’s nobody on my side talking to the BARRM to make the necessary arrangements for this entity to grow and their needs,” ani Pangulong Duterte.