-- Advertisements --

Sa gitna ng lumalalang isyu ng korapsyon sa bansa, magsasagawa rin ang mga Boholano ng kilos-protesta sa darating na Linggo,Setyembre 21, sa Plaza Rizal, sa lungsod ng Tagbilaran.

Pangungunahan ng Lihok Bol-anon Batok Korapsyon ang isang prayer rally ng pinagsama-samang alyansa ng simbahan, paaralan, at civil society groups.

Bitbit ang temang “Pagpakabana Kontra Kurakot!”, layunin ng grupo na kondenahin ang diumano’y sabwatan ng ilang opisyal at kontratista sa mga ghost at substandard projects, pati na rin ang mga hindi makatarungang budget insertions.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu, ipinaliwanag ni Atty. Jun Amora, tagapagsalita ng Lihok Bol-anon Batok Korapsyon, na bukod sa pagiging multi-sectoral, ang grupo ay non-political at non-partisan na kilusan na naglalayong itaguyod ang transparent at accountable governance sa bansa.

“𝘞𝘦 𝘤𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘳𝘢𝘭𝘭𝘺. 𝘗𝘳𝘦𝘤𝘪𝘴𝘦𝘭𝘺, 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘴𝘵 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘳𝘦𝘷𝘦𝘢𝘭𝘦𝘥 𝘤𝘰𝘳𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯.𝘞𝘦 𝘢𝘭𝘳𝘦𝘢𝘥𝘺 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘨𝘰𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴, 𝘣𝘶𝘵 𝘯𝘰𝘸, 𝘪𝘵 𝘪𝘴 𝘣𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘱𝘦𝘯 𝘰𝘧 𝘩𝘰𝘸 𝘣𝘳𝘢𝘻𝘦𝘯 𝘢𝘳𝘦 𝘰𝘶𝘳 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘪𝘢𝘭𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵𝘰𝘳𝘴 𝘪𝘯 𝘣𝘭𝘦𝘦𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺,” saad ni Atty. Amora.

Inaasahan pa umano nila ang malaking bilang ng mga taong dadalo dahil marami din ang naghahanap ng pagkakataon upang ipahayag ang kanilang mga saloobin sa mga nangyayari ngayong katiwalian.

“𝘞𝘦 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘴𝘰𝘮𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘮𝘦𝘵𝘦𝘳𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘮𝘶𝘭𝘵𝘪𝘴𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳𝘢𝘭 𝘣𝘶𝘵 𝘪𝘵 𝘪𝘴 𝘢𝘭𝘴𝘰 𝘯𝘰𝘯𝘱𝘰𝘭𝘪𝘵𝘪𝘤𝘢𝘭, 𝘯𝘰𝘯-𝘱𝘢𝘳𝘵𝘪𝘴𝘢𝘯. 𝘞𝘦𝘳’𝘳𝘦 𝘢𝘪𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘤𝘰𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘱 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘦 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘱𝘢𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘨𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘦 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘴𝘦𝘦𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘫𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘭𝘰𝘴𝘴 𝘣𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘷𝘪𝘰𝘭𝘢𝘵𝘦𝘥,” dagdag pa ng abogado.

Inaanyayahan naman ni Atty. Amora ang mga lalahok na magsuot ng puting damit bilang simbolo ng integridad at magdadala ng kandila para sa isang Lighting Ceremony of Hope na pangungunahan ni Cebu archbishop-elect Most Rev. Abet Uy.

Dagdag pa nito, pinapayagan naman ang mga placards, streamer, at chants, ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang mga pahayag o aksyon na may kinalaman sa pagpapakita ng paghihimagsik, partisan na pulitika, at mga personal na pananaw sa mga opisyal ng gobyerno, pati na rin ang paggamit ng maruruming salita, karahasan, at iba pa.