-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Magsasagawa ng panibagong rally ang August Twenty-One Movement (ATOM) sa harap ng Korte Suprema.

Mariing kinondena ng grupo ni Volt Bohol ang Korte Suprema matapos nitong ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Aniya, ang desisyon ng SC En Banc ay isang tahasang pagtalikod sa tungkulin nitong maging huling sandalan ng taumbayan laban sa mga tiwaling opisyal.

Iginiit ng grupo na ang impeachment ay mahalagang mekanismo upang maprotektahan ang karapatan ng mamamayan.

Sa nakalipas na araw, naudlot ang itinakdang rally ng Atom mula Hulyo 21 at sa ika-25 dahil sa matinding pagbaha.

Nananatili ang kanilang paninindigang hindi dapat patahimikin ang tinig ng bayan.