-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Filipino Nurses United (FNA) ang desisyon ng Supreme Court na pagtibayin ang validty ng batas na nagtatakda ng minimum pay para sa mga nurses sa government health institutions sa Salary Grade 15 o P30,000 kada buwan.

Sinabi ni FNU president Maristela Abenojar na mula noong 2002 ay hindi naipapatupad ang Republic Act No. 9173 o ang Philippine Nursing Act dahil wala pondo para rito.

Noong Miyerkules lang, Oktubre 9, pinaburan ng Supreme Court ang mga government nurses matapos na ideklarang valid ang Section 32 ng batas.

Subalit iginiit ng Korte Suprema na na para maipatupad ito ay kinakailangan na magkaroon ng batas para mapaglaanan ng ito ng pondo.

Nauna nang sinabi ni Sen. Minority Leader Franklin Drilon na tinatayang P1 billion ang kakailanganin para sa 7,193 Nurse 1 positions sa gobyerno.