CAGAYAN DE ORO CITY-Umaasa ang ilang mga negosyante na pagbibigyan sila ng gobyerno lalo sa Cagayan de Oro sa kanilang pangalawang kahilingan hinggil sa bayarin sa tax.
Ito ay matapos hindi pinaburan ang kanilang apela na i-differ muna ang pagbabayad sa tax dahil sa pagtamlay ng kanilang negosyo at nagsara pa ang iba mula ng makapasok sa bansa ang COVID-19.
Sinabi ni Oro Chamber of Commerce and Industry spokesperson Atty. Antonio Soriano, naiintihan naman umano nila na kailangan ng gobyerno ang pera na malilikom mula sa tax ngunit hindi naman nila ito tatakbuhan.
Nilinaw ni Soriano na nakahanda naman umano silang magbayad pero hiling nila na huwag nang pabayaran ang mga penalties at surcharges.
Aniya, sa pamamagitan nito ay tiyak na matutulungan ang mga negosyante na muling makaahon sa kanilang negosyo.