Tsitsipas
Stefanos Tsitsipas/ IG post

Nag-enjoy si Greek tennis star Stefanos Tsitsipas sa pagbisita niya sa Pilipinas.

Sa kaniyang social media account makikita na kumain ito ng taho.

Pumasyal din ito sa iba’t-ibang parte ng Metro Manila.

Bumili din ito ng mga grocery at pagkain para mga Filipino na naninirahan sa gilid ng kalsada.

Pinasalamatan niya ang Pilipinas dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya habang ito ay nasa bansa.