salvador sal panelo palace
Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo

Idineklara ng Malacañang na kalahating araw lamang o halfday ang pasok bukas, Oktubre 31, Huwebes para sa mga empleyado ng gobyerno.

Batay ito sa Memorandum Circular 69 na inilabas at pirmado ni Executive Sec. Salvador Medialdea.

Epektibo ang work suspension simula alas-12:00 ng tanghali bukas.

Nakapaloob sa memo na layunin nitong mabigyan ng oportunidad ang mga government employees na makauwi ng mas maaga sa kanilang mga lalawigan para sa paggunita ng All Saints’ Day (Nobyembre 1).

Pero ang mga ahensya ng gobyernong may kinalaman ang trabaho sa pagtugon sa mga kalamidad at sakuna ay may pasok maghapon bukas.

Ang mga nasa pribadong sektor ay diskresyon na umano ng kanilang mga management.