DUTERTE BONG GO 1

DAVAO CITY – Naniniwala ni Sen. Christopher “Bong” Go na posibleng i-terminate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng ceasefire sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at gobyerno dahil sa isinagawang pang-aatake ng mga ito sa kapulisan at militar sa Iloilo at Camarines norte.

Kung maalala, nasa dalawang mga pulis ang sugatan, isang sundalo ang napatay at isa pang umiinom sa sundalo rin ang sugatan matapos ang nasabing pananambang.

Ayon pa kay Sen. Bong Go, may isinasagawa ngayon na imbestigasyon sa nasabing insidente at kung matibay ang basehan na nakalabag ang mga NPA, posibleng tapusin kaagad ng gobyerno ang ceasefire sa pagitan ng teroristang grupo.

Nanawagan naman ang senador sa mga rebelde na huwag sayangin ang pagkakataon lalo na ngayon na muling bubuksan ang usapang pangkapayapaan.