Kinumpirma ng MalacaƱang na exempted na ang mga public officials at government personnel sa mandatory COVID-19 testing at quarantine protocol na itinatakda ng local government units (LGUs) na kanilang pupuntahan.

Batay sa anunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque, isang valid ID na isyu ng kanyang tanggapan na lang ang ipapakita ng isang government employee o official sa mga otoridad pagdating sa kanyang destinasyon.

-- Advertisement --

Ayon kay Sec. Roque, kalakip din sa dapat na ipakita ng kawani o opisyal ng gobyerno ang kahit na certified true copy ng kanyang Travel Authority bilang patunay na ang kanyang biyahe ay opisyal.

Ito ay dapat pirmado ng Department Secretary o ng kanyang immediate supervisor.
Gayunman, kailangang makapasa sa symptom screening na ginagawa sa kanilang port of arrival at matiyak na susunod ang mga ito sa minimum public health standards.