LAOAG CITY – Tiniyak nina Governor Matthew Marcos-Manotoc at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na nanatili ang magadang samahan nilang magpinsan sa kabila ng hindi pagkakaunawaan ng kanilang mga magulang na sina Senador Imee Marcos at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Manotoc na sinusubukan nilang maging tulay para maayos ang anumang gusot sa magkapatid na Marcos.
Subalit sinabi ni Manotoc na kung anuman ang hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina at kapatid nito na si Pangulong Marcos ay mas maganda kung sila na lamang ang tatanungin.
Samantala, siniguro naman ni Congressman Marcos na palagi silang naguusap ni Governor Manotoc tungkol sa iba’at-ibang bagay.
Dagdag pa niya na nakatutuk sila sa mga gagawin dito sa lalawigan ng Ilocos Norte lalo na ngayon at naibalik na sa kanila ang lungsod ng Laoag matapos manalo sa pagka-alkalde ang kanilang sinuportahan na si Konsehal Bryan Alcid.
Hinggil dito, sinabi ni Marcos na gagawin nila ang lahat para matupad ang mga ipinangako nila noong panahon ng kampanya.