-- Advertisements --
Naglaan ang gobyerno ng P2-bilyon na tulong sa Bohol na sinalanta ng bagyong Odette.
Ayon sa Office of the Presidential Assistance in the Visayas (OPAV) na ang P1-B na assistance ay mapupunta sa local government units habang ang P1-B naman ay mapupunta sa mga government agencies na mangangasiwa sa rehabilitation works.
Mayroon ding ibibigay ang National Housing Authority (NHA) ng tig-P5,000 hanggang P30,000 na shelter assistance sa bawat mga biktima ng bagyo.
Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bohol kung saan nakipagpulong ito kay Governor Arthur Yap kasama ang ilang mga cabinet members.
Galing pa ng Cebu ang pangulo at ito ay dumiretso sa bayan ng Argao at Inabanga para tignan ang damyos ng nasabing bagyo.