Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na may mga proactive steps o hakbang nang ipinatutupad ang gobyerno para iligtas ang ating mga mamamayan sa kahirapan bunsod sa pagtaas ng inflation sa 3.4 percent nitong buwan ng February mula sa 2.8 percent nuong buwan ng January.
Sinabi ni Romualdez na lubos niyang kinikilala ang paghihirap ng mga pamilyang Pilipino dahil sa tumataas na presyo ng pagkain partikular na naapektuhan ng 4.8 porsiyentong pagtaas ng inflation ng pagkain.
Aniya, kanilang nauunawaan na kumakatawan sa mga makabuluhang hamon para sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa kapakanan ng mga komunidad.
Kabilang sa mga hakbang ang ginawa ng House of Representative na maglaan ng pondo para sa ayuda or relief subsidies sa loob ng 2024 General Appropriations Act.
Layon nito na ipakita ang pangako na protekatahan ang mga Filipinos sa matinding epekto ng global supply disruptions at matiyak ang financial na tulong sa mga nangangailangan.
Sa kabila ng global and local economic pressures, ang Pilipinas ay patuloy na nagpapakita ng kahanga-hangang katatagan sa ekonomiya, na pinapanatili ang isang paglago na namumukod-tangi sa rehiyon ng Asia-Pacific.
Gayunpaman, sinabi ni Romualdez na layon nilang lumago pa ang ekonomiya ng bansa para maibigay ang mga benepisyo partikular sa mga mahihirap.
Tinitiyak naman ng gobyerno na hindi ito natitinag sa dedikasyon sa epektibong pag-navigate sa mga hamon.
Dagdag pa ni Speaker na patuloy nilang tinatasa ang sitwasyon at handa iakma ang mga estratehiya upang matiyak na ang mga patakaran ay nagtataguyod ng napapanatiling pag-unlad at mapahusay ang kapakanan ng bawat Pilipino.