Tiniyak ng Palasyo na mayruon silang inilatag na contingency plan para duon sa mga kababayan natin na nanatili sa mga evacuations centers dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon at Bulusan.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga kababayan natin na apektado ng pag-aalburuto ng dalawang bulkan at kanilang sisiguraduhin na makaboto pa rin ang mga ito sa darating na halalan.
Sinabi ni Castro nagkaroon ng Memorandum of Agreement patungkol dito at nakasaad sa nasabing kasunduan paiigtingin ang kanilang pagseserbisyo para masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan natin at matuloy ang halalan sa darating na May 12.
Inihayag ni Castro na magkakaroon ng evacuation polling precints.
Ayon kay USec Castro kinikilala aniya ng gobyerno ang kahalagahan ng boto ng bawat Pilipino, kahit pa sa panahon ng kalamidad o sakuna, at hindi aniya hahayaan ng pamahalaan na mahadlangan ang karapatang maka-boto ng sinoman.
Sabi ni Castro, makakaasa ang mga nagsilikas na magkakaroon pa rin ng polling precincts, para sa mga nanananatili sa evacuation centers.