-- Advertisements --

Pumanaw na ang gitarista ng metal band na Mastodon na si Brent Hinds sa edad na 51.

Kinumpirma ng banda ang pagpanaw ni Hinds matapos na maaksidente lulan ng kaniyang motorsiklo sa Atlanta.

Kasama siya sa nagtaguyod ng banda noong 2000 kung saan ang mga miyembro ay sina Troy Sanders, Bill Kelliher at Brann Dailor.

Mayroon silang nagawang 8 albums kung saan nagwagi sa Grammys ang kanta nilang “Sultan’s Curse” noong 2018.

Nitong Marso lamang ng ianunsiyo ng grupo na sila ay magkakawatak-watak na.