-- Advertisements --

Nakikita ngayon ng Manila Police District (MPD) na posibleng mula lamang sa iisang grupo ang mga kabataang nanggulo at nagumpisa ng riot sa Ayala Bridge at maging sa iba pang bahagi ng Maynila.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni MPD Public Information Office Chief at Spokesperson PMaj. Philipp Ines na malaki ang posibilidad na iisa kamang ang grupo na nanggulo sa Maynila dahil sa mga naging tema at kasuotan ng mga kabataang ito.

Pare-pareho kasing nakabonnet, face mask at nakaitim na damit ang grupo na ito kung saan napagalaman din na hinikayat sila mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

Puspusuan naman ang pakikipagugnayan ng MPD sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) upang matukoy saan nagumpisa ang mga panghihikayat sa social media para magkasaa ng panggugulo sa gitna ng mapayapang rally.

Nanindigan naman si Ines na hindi sika titigil sa pagiimbestiga hanggang sa mapanagot nila ang mga personalidad na nasa likod nito.

Kasunod nito nanindigan rin ang MPD na hindi nila aarestuhin ang mga indibidwal na wala naman aniyang kinalaman sa naging insidente.

Talamak kasi aniya ngayon sa mga social media platforms ang mga panawagan na palayain ang mga umano’y nadamay lamang sa gulo.

Muling binigyang diin ni Ines na ang kanilang pangako ay panagutin sa batas ang mga tunay na may sala at paglabag sa batas.

Samantala, sa kabila ng mga kumakalat na hindi umano’y mga casualties sa naging gulo ay nanindigan ang Pambansang Pulisya na walang namatay sa pangyayari at wala din aniyang gumamit ng kahit anumang uri ng baril ang kanilang hanay habang nagpapatulad ng seguridad nitong nakalipas na malwakang demonstrasyon.