-- Advertisements --

Nagsagawa ng simultation ang Manila Police District (MPD) bilang paghahanda sa mga kilos protesta lalo na at ilang mga kilusan na ang nakatakdang ikasa ngayong buwan hanggang Nobyembre.

Kasama sa simultation ang mga tauhan sa ilalim ng Civil Disturbance Management (CDM) ng MPD na siyang isinigawa sa Mendiola Peace Arch nitong Linggo.

Ayon sa MPD, layon nito na mas mapalakas pa ang mga kakayahan ng pulisya sa pagresponde sa mga ganitong sitwasyon at mapanatili ang kaayusan sa gitna ng mga ilulunsad na kilusan na ito.

Umabot naman sa 300 mga tauhan ang nakilahok sa simultation exercise na ito kung saan kabilang sa sinasanay ay ang iba’t ibang formation kung sakali mang magkaroon ng girian sa pagitan ng mga pulis at rallyista.

Samantala, patuloy naman na magpapatupad ng maximum tolerance ang buong hanay ng MPD upang matiyak na magiging maayos at ligtas ang mga gaganaping kilusan.