Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Nalusutan ng Barangay Ginebra ang matinding depensa ng TNT 96-93 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng Gins sin Japeth Aguilar na nagtala ng 29 points habang mayroong 24 points si Justin Brownlee.

Nag-ambag naman ng 19 points si LA Tenorio at 14 points naman si Stanley Pringle.

Naging mahalaga ang ginawang driver ni Stanley Pringle sa natitirang 15.6 seconds ng laro para makuha ang kalamangan na 94-92 kung saan hindi naipasok ni TnT import KJ McDaniels ang free-throw.

Sa pagkakataong iyon ay nailigtas ni Tenorio ang bola hanggang maipasok ni Brownlee ang dalawang free throws sa natitirang 5.8 seconds.

Binigyang halaga ni Ginebra coach Tim Cone ang panalo kung saan itinuring itong isang mahalagang panalo.

Hindi naman umubra ang ginawang 32 points, 12 rebounds ni McDaniels at 23 points ni Roger Pogoy.