Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Naitabla na ng Barangay Ginebra sa 1-1 ang best of five semifinals nila ng NorthPort 113-88.

Pinangunahan ni Stanley Pringle ang panalo ng Ginebra na nagtala ng 23 points habang mayroong 20 points si LA Tenorio.

Nag-ambag naman ng 16 points si Greg Slaugther at 15 points si Justin Brownlee.

Nasiyahan naman si Ginebra coach Tim Cone dahil nakabangon sila mula sa pagkakatalo nila noong first game at nakita niyang gutom sa panalo ang kaniyang koponan.

Nasayang naman ang nagawang 20 points ni Michael Qualls at 19 points ni Sean Anthony ng NorthPort.